Bakit Ka Nagmamadali?
Miss, Miss bakit ka nagmamadali?
Tila aligaga at di mapakali
Late na ba sa opis?
Konting ingat lang at muntik ka nang masagasaan ng taxi
Baka sa halip na sa opis ay sa ospital ka makarating.
Manong driver, bakita ka nagmamadali?
May humahabol po ba sa inyo?
Ahhh, kulang pa ba ang kita at gustong makarami?
Hinay-hinay lang po,
Baka ang kikitain, kulang pa sa pambayad sa madidisgrasya mo.
Tatay, Tatay….bakit ka nagmamadali?
Late na ba sa meeting?
Di mo man lang napansin si Junior na naglalambing
At si Nanay na nagtimpla pa ng iyong kape
Para kanino ka ba naghahanap-buhay?
Matanong ko lang, bakit nga ba tayo nagmamadali?
Lahat ng gawain, pinipilit pagsabayin
Ni hindi man lang nabibigyan nang pansin ang mas mahahalagang bagay,
Kapwa at mahal sa buhay
Dahil ba sa nauubos ang oras? Ngunit tila tayo ang nauubos ...
[Also published in Anluwage]
Comments