Obra




Pano ba magsimulang 
lumikha ng isang obra?
Sapat na ba na may panulat at papel, 
panahon at inspirasyon?
Sapat na ba na may angkin kang talino?
Sa iba't ibang pagkakataon, 
nakamit ko ang lahat nang ito..
Pero hindi lumabas nang tama 
at angkop sa panlasa ko, o di kaya'y sa
panlasa ng manunulat...

Pero may isang gabing lubha akong malungkot...
Hanggang sa namalayan ko ang aking sarili 
na nakahawak na naman sa aking panulat
Hinayaang dumaloy ang kung ano mang nagtutulak 
sa aking mga kamay 
para ilapat ang bawat titik, ang bawat saloobin...


Pero sa bawat taludtod, o talata nasiyahan ako...
At ang bawat lungkot ay napalitan ng kasiyahan...
At ang kasiyahan ay napalitan ng kapayapaan...
Natagpuan ko na ang kasagutan..

Sa bawat tangka ng aking panulat, nagkulang ako
Nagkulang ako sa puso...
Napagtanto ko na sa tuwing ang sinusulat 
ko ay galing sa puso lalo
na't para sa Kanya, nagkakaroon ng saysay ang lahat..
Ang aking panulat sa Kanya lamang pala mapapanatag...

Comments

Popular posts from this blog

The Forgiving Father

Words Left Unspoken